Lakbay Los Baños Heritage Walk Highlighted Candelaria, Quezon's Benchmarking Visit (September 4, 2026)
Tampok sa pagbisita sa Bayan ng Los Baños na pinangasiwaan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, ang paglahok ng mga opisyal at kinatawan mula sa Pamahalaang Bayan ng Candelaria, Quezon, sa Lakbay Los Baños Heritage Walk nitong Setyembre 4, 2026 (Biyernes). Pinangunahan ni Hon. Mayor George “Ogie” Suayan ang delegasyon ng Candelaria, kasama ang mga kinatawan ng kanilang Office for Senior Citizens Affairs (OSCA).
Isinagawa ang aktibidad katuwang ang Los Baños Municipal Tourism Office, na nagbigay sa delegasyon pagkakataong makilala at mapahalagahan ang mayamang kasaysayan, kultura, at ating mga natatanging pamana. Bahagi ito ng Senior Citizens Federation: Benchmarking Activity ng Candelaria, Quezon, sa ilalim ng kanilang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), na nakatuon sa pagpapahusay ng Senior Citizen Community Care Center (SC3C).
Mula sa pagkilala sa pamanang kultura hanggang sa pagbabahagi ng mabubuting programa, naging makabuluhan ang kanilang paglalakbay ng delegasyon. Nagsilbi rin itong daan upang higit pang mapahusay ang serbisyong pampubliko at maitaguyod ang mga programang nagbibigay-halaga, dignidad, at pagkalinga sa mga minamahal na mga nakatatanda.
#SeniorCitizenCommunityCareCenter
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
