Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) Candelaria, Quezon conducted Benchmarking Activity in Los Baños (September 4, 2026)
Magiliw na tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa kanyang tanggapan si Hon. Mayor George “Ogie” D. Suayan ng Candelaria, Quezon, kasama ang mga kinatawan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) Candelaria, Quezon, para sa isang courtesy visit nitong Setyembre 4, 2026 (Biyernes). Bahagi ito ng Senior Citizens Federation: Benchmarking Activity ng Candelaria, Quezon, sa ilalim ng kanilang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Isinagawa ang benchmarking activity upang talakayin at ibahagi ang mga programa, inisyatiba, at mabubuting gawain para sa mga senior citizens, kabilang ang Senior Citizen Community Care Center (SC3C). Naging pagkakataon ang pagbisita upang mapalalim ang ugnayan at pagbabahaginan ng mga programa at serbisyong para sa kapakanan ng mga senior citizen, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng inklusibo at makabuluhang serbisyo publiko.
#SeniorCitizenCommunityCareCenter
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
