MENU
Philippine Standard Time:
Brigada Sining 2026 Kicked Off with Celebration of Youth, Arts, and Culture​​​​​​​ (September 4, 2026)
Published date: Sep 4, 2026
Brigada Sining 2026 Kicked Off with Celebration of Youth, Arts, and Culture​​​​​​​ (September 4, 2026)

Pormal na sinimulan nitong ika-4 ng Setyembre 2026 (Biyernes) ang mga gawain para sa Brigada Sining 2026 sa Tanghalang Maria Makiling, National Arts Center, Philippine High School for the Arts (PHSA), bilang unang araw ng serye ng mga aktibidad na nagpapalakas sa pagpapahalaga sa sining, kultura, at malikhaing pagpapahayag ng kabataan. Isinulong ito ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Kgg. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pangunguna ng Local Youth Development Office (LYDO) na pinamamahalaan ni Bb. Revilyn D. Perez, katuwang ang Philippine High School for the Arts (PHSA), sa pamumuno ni Director Greg Zuniega.

Pinangunahan ang Pambungad na Palatuntunan sa pamamagitan ng Pambansang Awit at Panalangin na inihandog ng Musika Ibarang at Kuwit, mga Baitang 9 ng PHSA. Nagbigay rin ng Pambungad na Pananalita si Kgg. Neil Andrew N. Nocon, Punong Bayan ng Los Baños. Sinundan ito ng Natatanging Bilang mula muli sa Musika Ibarang, Baitang 9 ng PHSA at mensahe ni OIC- LYDO Bb. Revilyn D. Perez.

Bahagi rin ng unang araw ang Pagbubukas ng Brigada Sining 2026 na pinangunahan ni Bb. Precy A. Mondejar, Chief Administrative Officer ng PHSA, tampok ang Brigada Sining Theme Song na inawit ng Musika Ibarang at Maquiling Ballet, Baitang 9, PHSA. Isinagawa rin ang Pangkalahatang Oryentasyon ng Programa sa pangunguna ni G. Fredy B. Hernandez, Program Director ng Brigada Sining, at pinadaloy ni Bb. Jovel R. Olivares. Isinagawa ito na may buong suporta ng DepEd Los Baños sa pangunguna ni Dr. Soledad S. Villanueva, Tagamasid Pampurok ng DepEd Los Baños Sub-Office, bilang hudyat ng pagsisimula ng makabuluhang pagtutulungan para sa pagsusulong ng sining at kultura sa hanay ng kabataan sa bayan ng Los Baños.

#BrigadaSining

#PhilippineHighSchoolForTheArts

#DepEdLosBaños

#LYDOLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 

 

 219 Total Views

Related:


;