MENU
Philippine Standard Time:
SLP Accreditation and Seed Capital Support Boosted Fisherfolk Livelihood in Los Baños (September 3, 2026)
Published date: Sep 3, 2026
SLP Accreditation and Seed Capital Support Boosted Fisherfolk Livelihood in Los Baños (September 3, 2026)

Isang seremonya ng pagkakaloob ng Sustainable Livelihood Program (SLP) Seed Capital Fund at pagtanggap ng Certificate of Accreditation para sa Los Baños Lakeshores Fisher SLP Association ang isinagawa nitong Setyembre 3, 2026 (Huwebes), sa Tanggapan ng Punong Bayan ng Los Baños. Personal na tinanggap ng mga kinatawan ng samahan ang Certificate of Accreditation mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office IV-A sa presensya ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama si Municipal Agriculturist Ms. Cheryll L. Gonzales. Kinatawan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-4A sina Bb. Gay D. Benedicto, Aquaculturist I, at Mr. Airon C. Bugna, Aquacultural Technician I, kasama si G. Joey Barcala, Pangulo ng Los Baños Lakeshores Fisher SLP Association. Nakiisa rin sina Mr. Conrado L. Amoranto Jr., SLP Laguna Provincial Coordinator; Ms. Melody F. Del Rosario, Special Projects Officer; at Ms. Ayesha Apple S. Fernando, PDO II PCB Focal.

Ang accreditation ay patunay na nakatugon ang samahan sa mga kinakailangan bilang isang legitimate Beneficiary Civil Society Organization, alinsunod sa Section 82 ng General Appropriations Act of 2026 at DSWD Memorandum Circular No. 03, series of 2025 o ang Omnibus Guidelines for the Implementation of the Sustainable Livelihood Program (SLP). May bisa ang accreditation sa loob ng tatlong (3) taon, mula Marso 23, 2026 hanggang Marso 23, 2029.

Kasabay nito, ipinagkaloob sa samahan ang SLP Seed Capital Fund para sa kanilang Fishing Supplies at Fish Trading Project, katuwang ang BFAR-4A, bilang suporta sa pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga lokal na mangingisda. Bilang bahagi ng proyekto, dumaan ang mga miyembro ng samahan sa iba’t ibang pagsasanay tulad ng financial literacy, organizational management, record keeping and documentation, at paghahabi ng lambat na gamit pangisda.

Mahalagang hakbang ang pagkakaloob ng Seed Capital Fund at accreditation sa pagpapatatag ng Los Baños Lakeshores Fisher SLP Association bilang organisadong katuwang sa pagsusulong ng mga programang pangkabuhayan. Patuloy na pinahahalagahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, katuwang ang DSWD Field Office IV-A at BFAR-4A, ang mga programang naglalaan ng konkretong suporta, kasanayan, at oportunidad tungo sa mas matatag at sustainable na kabuhayan para sa mga mangingisda at kanilang mga pamilya.

#LosBañosLakeshoresFisherSLPAssociation

#SeedCapitalFund

#CertificateOfAccreditation

#SustainableLivelihoodProgram

#DSWDFieldOfficeIVA

#BFAR4A

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 

 214 Total Views

Related:


;