MOVE Empowered Men to Stand Against Violence and Promote Safer Communities (September 3, 2026)
Naging sentro ng makabuluhang talakayan ang isinagawang Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE) sa Municipal Multi-purpose Hall nitong Setyembre 3, 2026 (Huwebes), na pinalakas ang kamalayan, pananagutan, at pakikilahok ng kalalakihan sa pag-iwas at pagtugon sa karahasan. Binigyang-diin dito ang kanilang mahalagang papel sa pagtataguyod ng respeto, dignidad, at isang ligtas at mapayapang pamayanan.
Pinangasiwaan ang programa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Ms. Hanna Erika E. Laviña, at Gender and Development (GAD) Office sa pamamahala ni Ms. Karen L. Mercado. Tampok ang oryentasyon at diskusyon hinggil sa MOVE at sa papel ng kalalakihan sa pag-iwas sa karahasan, na pinangunahan nina Mr. Glenn Carlo Borloza, President ng Laguna MOVE Federation; Mr. Marvin Comia, MOVE President ng Bay, Laguna; at Mr. Melvin L. Cordez, MOVE President ng UPLB. Ipinakilala ang mga tagapagsalita ni Mr. Leo Noel L. Katimbang, MSWD Focal Person.
Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng key takeaways, at closing reflection, muling pinagtibay ang paninindigan para sa respeto, pagkakapantay-pantay, at pananagutan. Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang MOVE bilang konkretong hakbang tungo sa pamayanang ligtas, may malasakit, at nagkakaisang tumitindig laban sa karahasan.
#MenOpposedToViolenceEverywhere
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
