MOA Signing Advanced Integrated CCTV and Weather Monitoring in Los Baños (September 2, 2026)
Pormal na nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pamumuno ni Hon. Marisol Aragones Sampelo, sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), at Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon nitong Setyembre 2, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Conference Room. Dumalo mula sa PDRRMO si Ms. Dollyjane B. Evangelista, Administrative Officer, kasama ang mga kawani na sina Ms. Aiza Crucillo, Ms. Ma. Jean Glorioso, at Ms. Kathrina Esmejarda. Kasama rin sa aktibidad ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Los Baños, sa pangunguna ni LDRRMO Ms. Cynthia N. Quintans. Bahagi ito ng mga hakbang upang higit pang mapalakas ang kaligtasan ng publiko, kahandaan sa sakuna, pamamahala sa trapiko, pagmamanman sa kapaligiran, at koordinasyon ng mga ahensya. Saklaw ng kasunduan ang pag-install, pagpapatakbo, pagpapanatili, at awtorisadong pag-access sa pinag-isang CCTV system at automated weather stations sa Bayan ng Los Baños, na kabilang sa mga lokal na pamahalaang sakop ng MOA.
Sa ilalim ng kasunduan, isusulong ang integrated at centralized monitoring system para sa mas mabilis na emergency response, mas mahusay na security operations at weather monitoring, at mas maayos na pagbabahagi ng datos at koordinasyon ng mga ahensya at stakeholders. Matapos ang MOA signing, nagsagawa rin ng tour ang mga kinatawan ng PDRRMO sa Los Baños Operations Center, na pinamumunuan ni Dr. Milbert B. Aguas, upang makita ang monitoring at response operations ng bayan at higit pang mapalakas ang pagtutulungan para sa mas ligtas, mas handa, at mas matatag na Bayan ng Los Baños at Lalawigan ng Laguna.
#AutomatedWeatherStationProject
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
