Pugay Arnisador in Los Baños showcased Skill, Speed, and Filipino Martial Arts Excellence (August 30, 2026)
Matagumpay na isinagawa ang ikalawang araw ng 1st Los Baños National Arnis Open “Pugay Arnisador” nitong Agosto 30, 2026 (Linggo) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center. Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pamamahala ni OIC-LYDO Ms. Revilyn D. Perez, at katuwang ang Summit Sports Academy sa pangunguna ni Engr. Darmilo Sosa, Founder ng Summit Sports Academy, patuloy na isinusulong ang arnis bilang instrumento sa pagpapaunlad ng disiplina, tapang, respeto, sportsmanship, at talento ng kabataan at mga atleta.
Isang pagbati sa lahat ng nagwagi! Ipinagmamalaki natin ang bawat arnisador na nagpakita ng husay, bilis, disiplina, determinasyon, at tunay na diwa ng isang mandirigmang Pilipinon. Ang bawat medalya at pagkilala ay bunga ng sipag, tiyaga, pagsasanay, at dedikasyon, ngunit higit sa panalo, ipinakita ng lahat ng kalahok ang pagpapahalaga sa Arnis bilang ating pambansang laro at martial art. Para sa official results, maaaring bisitahin ang:
https://www.facebook.com/share/p/1k61Fbb53E/
Pugay sa bawat Arnisador!
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
