Pugay Arnisador commenced in Los Baños, Uniting Arnis Athletes from Across the Philippines (August 29, 2026)
Opisyal nang binuksan ang 1st Los Baños National Arnis Open "Pugay Arnisador" nitong Agosto 29, 2026 (Sabado) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center, sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pamamahala ni OIC-LYDO Ms. Revilyn D. Perez, at katuwang ang Summit Sports Academy sa pangunguna nila Engr. Darmilo Sosa, Founder ng Summit Sports Academy; Mr. Kisig Lopez, President ng Summit Sports Academy at iba pang mga opisyal nito. Pinagsama-sama ng makasaysayang paligsahan ang mga delegasyon, atleta, coaches, technical officials, at mga tagasuporta ng Arnis mula sa iba’t ibang lugar upang ipamalas ang husay, disiplina, at pagmamalaki sa ating pambansang martial art.
Kabilang sa mga lumahok na delegasyon ang Balayan Tigers Arnis Team, Batangas City Meow Arnis Team, Cabuyao City Arnis Team, Calamba City Arnis Team, El Cabisera Modern Arnis Club, JCES Warriors – Baguio City, Kalasag Arnis Team, Laguna Arnis Team, Lyceum de San Pablo Arnis Team, Lethal Tithor Rapid Warrior – Pagsanjan Arnis Team, Magdalena Arnis Team, Makatis Stars, NSDGA Mighty Eagles Arnis Team, Rajaa Uno San Pascual, Sto. Tomas Arnis Team, Sinag Arnis Team, SPRCNHS Arnis Warriors, Sta. Rosa Arnis Team, Quezon Strikers, University of Baguio Arnis Team at ang Los Baños Arnis Team.
Pinangunahan ang opening program ng panalangin ni Mr. Vic Tamis, Secretary ng Summit Sports Academy; welcome remarks ni Ms. Revilyn D. Perez, OIC-LYDO; opening message ni Hon. Marlo P. J. Alipon, Municipal Vice Mayor; at pagpapakilala sa Local Chief Executive ni Mr. Jonathan Francisco, Summit Sports Academy Board of Trustees at Event Director. Nagbigay naman ng inspirational message si Hon. Neil Andrew N. Nocon, Municipal Mayor.
Kabilang rin sa mga nagbigay suporta sa programa sina Usec. Joseph “Joy” Encabo, kinatawan ni Senator Christopher “Bong” Go; Senator Migz Zubiri, Chairman and President ng PEKAF, sa pamamagitan ng video message; Hon. Ramil L. Hernandez, 2nd District of Laguna representative, at Dr. Amado Rabang Macayan, DEEKAF President at Tournament Director ng Palarong Pambansa. Sinundan ito ng pagkilala sa mga delegasyon, Athlete’s Oath, Technical Officials’ Oath, at opisyal na pagbubukas ng torneo.
Isinasagawa ang mga laro mula Agosto 29-30, 2026 sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center. Inaanyayahan ang lahat na manood at suportahan ang mga atleta sa pagpapamalas ng kanilang husay, disiplina, at tapang. Higit pa sa kompetisyon, ang Pugay Arnisador ay pagdiriwang ng kulturang Pilipino at ating pambansang martial art.
Tara na, Los Bañense! Saksihan at suportahan natin ang mga Arnisador!
Mabuhay ang Arnis! Mabuhay ang mga Arnisador ng Pilipinas!
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
