Los Baños strengthened Coconut-Coffee Farming through Three-Day Farmers’ Training (August 27, 2026)
Matagumpay na isinagawa ang tatlong araw na Farmer’s Training on Coconut-Coffee Farming System Batch 5, na may temang “Kape at Kabuhayan: Pagpapalakas ng Produksyon ng Kape sa Bayan ng Los Baños,” nitong Agosto 25–27, 2026 (Martes hanggang Huwebes) sa Municipal Multipurpose Hall. Pinangunahan ito ng Department of Agriculture–Agricultural Training Institute (DA–ATI) CALABARZON, sa pamamahala ni Center Director Dr. Rolando V. Maningas, RAgr, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa ilalim ng Coconut Farmers Industry Development Plan (CFIDP) at ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMA) na pinangungunahan ni Municipal Agriculturist Ms. Cheryll L. Gonzales, at may buong suporta ni Hon. Aldous Amiel B. Perez. Nakatuon ang programa sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa produksyon, pangangasiwa, postharvest, at pagbuo ng mas matatag na kabuhayan mula sa coconut-coffee industry, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Bayan sa sektor ng agrikultura.
Sa kanyang mensahe, nagpaabot ng pagbati si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at hinikayat ang sama-samang pagkilos upang palakasin ang lokal na industriya ng coconut coffee-farming. Samantala, binigyang-halaga ni Center Director Dr. Rolando V. Maningas, RAgr ang pagsasanay bilang susi sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga magsasaka, habang ipinahayag ni Hon. Aldous Amiel B. Perez ang kanyang ibayong suporta sa pagpapalakas ng kanilang kabuhayan. Ayon naman kay Municipal Agriculturist Ms. Cheryll L. Gonzales, malaking oportunidad ang coconut-coffee farming upang mapalawak ang produksyon at mapatatag ang pinagkakakitaan ng mga magsasaka sa Los Baños.
Sa unang araw, tinalakay ang RA 11524 o Coconut Farmers and Industry Development Plan, Philippine Coffee Overview, at Coconut-Coffee Intercropping System. Pinangunahan ang mga sesyon nina Agricultural Technologist Mr. Toffi C. Teraytay, RFP; Agricultural Technologist Engr. Fidel Q. Ariola II; at Agricultural Extension Worker Mr. Mike Leo P. Cadapan. Sa ikalawang araw, tampok naman ang Coffee Farming and Cultivation, Coffee Pest and Diseases Management, at Coffee Harvesting and Postharvest Practices, na ibinahagi nina Engr. Fidel Q. Ariola II at Mr. Toffi C. Teraytay, RFP, habang ibinahagi naman ni UPLB URS I Mr. Joseph Mario M. Navasero ang mga kaalaman hinggil sa coffee harvesting at postharvest practices.
Bilang application-based na pagtatapos ng pagsasanay, isinagawa sa ikatlong araw ang Hands-on Practicum and Site Visit sa Casile-Guinting Upland Marketing Cooperative, Participatory Rural Appraisal o Mapping of Coconut-Coffee, at Re-entry Planning and Presentation. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok sa bahaging ito na mailapat ang kanilang mga natutuhan sa aktuwal na kalagayan ng coffee at coconut-coffee production, masuri ang mga oportunidad at hamon sa kanilang mga lugar, at makapaglatag ng mga konkretong hakbang at plano na maaaring isagawa pagbalik sa kanilang mga sakahan.
Sa kabuuan, pinatibay ng tatlong araw na pagsasanay ang kaalaman at kasanayan ng mga magsasaka sa cultivation, pest management, harvesting, postharvest handling, intercropping, at pagpaplano para sa mas produktibo at sustenableng kabuhayan mula sa kape. Sa patuloy na pagtutulungan ng DA–ATI CALABARZON at Pamahalaang Bayan ng Los Baños, isinusulong ang mga programang nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga magsasaka at nagpapalakas sa sektor ng agrikultura tungo sa mas produktibo at sustenableng kabuhayan sa bayan ng Los Baños.
#AgriculturalTrainingInstitute
#OMALosBaños
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
