Weekly Flag Raising Ceremony (4th Monday of August 2026)
Pinangasiwaan ng Office of the Municipal Administrator at Bids and Awards Committee (BAC) sa pamamahala ni Municipal Administrator Atty. Virgilio A. Tiongson, Jr. ang lingguhang pagtataas ng watawat sa ikaapat na Lunes ng Agosto 2026 sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Bilang suporta sa patuloy na operasyon at mga gawain ng mga tanggapan, patuloy na isinusulong ang maayos na koordinasyon at mahusay na pagtupad sa tungkulin para sa mas epektibong paglilingkod sa mamamayan.
Dumalo at nagbigay suporta ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, kabilang sina Hon. Muriel Laisa B. Dizon, at Hon. Jay A. Rolusta. Nakiisa rin ang mga Department at Unit Heads sa pangunguna ni Chief of Staff Pong Guinto, ang DILG Family (PNP, BFP, BJMP), at iba pang mga kawani ng pamahalaan, bilang sama-samang pagpapakita ng pagkakaisa at pagsusulong ng serbisyong diretso sa tao para sa bayan ng Los Baños.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
