MENU
Philippine Standard Time:
Regular site inspection identified key road, drainage, and safety improvements in Los Baños (August 19, 2026)
Published date: Aug 19, 2026
Regular site inspection identified key road, drainage, and safety improvements in Los Baños (August 19, 2026)

Bilang bahagi ng patuloy na pagsasagawa ng regular na inspeksyon, personal na nagtungo si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon nitong Agosto 19, 2026 (Miyerkules), kasama sina Municipal Engineer Ricky R. Estopace, OPCEN Head Dr. Milbert B. Aguas, MDRRMO Ms. Cynthia N. Quintans, GSO-FOS Mr. Archie C. Gonzalvo, mga kawani ng POSO, LBTMO, MO, at iba pang kawani ng Pamahalaang Bayan upang aktuwal na makita at masuri ang kondisyon ng mga lugar at matukoy ang mga kinakailangang hakbang para sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan.

Kabilang sa mga sinuri ang Junction Sidewalks at Junction Crossing Intersection, kung saan tinalakay at sinuri ang mga kinakailangang road improvement at drainage rehabilitation project sa Batong Malake. Layunin ng mga hakbang na ito na matugunan ang mga problema sa daluyan ng tubig at makatulong sa pag-iwas sa madalas na pagbaha sa lugar.

Sinuri rin ang mga kinakailangang pagpapahusay sa mga daanan sa Junction area, sa pakikipagtulungan ng Mercury Drug, bilang bahagi ng patuloy na pagtutulungan para sa mas maayos, ligtas, at maayos na daloy ng mga sasakyan at mga taong gumagamit ng lugar.

Nakatuon ang inspeksyon sa pag-iwas at maagap na pagtugon bago pa man magkaroon ng insidente—mula sa pagtukoy ng mga posibleng panganib, pagsusuri sa mga lugar na vulnerable sa pagbaha at iba pang hazard, hanggang sa pagtukoy ng mga kinakailangang intervention sa mga daanan, drainage system, at pampublikong lugar.

Sa pamamagitan ng mga aktuwal na inspeksyon at koordinasyon ng iba’t ibang tanggapan, layunin ng Pamahalaang Bayan na magkaroon ng mas malinaw na batayan para sa disaster preparedness, risk reduction and mitigation, public safety, at pagpapatupad ng mga konkretong hakbang para sa pagpapabuti ng mga pasilidad at lugar sa bayan.

Patuloy ang Pamahalaang Bayan sa pagkilos upang mapangalagaan ang buhay, ari-arian, kaligtasan, at kapakanan ng bawat mamamayang Los Bañense.

#RegularInspection

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 298 Total Views

Related:


;