Proactive Risk Assessment conducted across critical areas in Los Baños (August 19, 2026)
Personal na nagsagawa ng inspeksyon si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon nitong Agosto 19, 2026 (Miyerkules), kasama sina Municipal Engineer Ricky R. Estopace, OPCEN Head Dr. Milbert B. Aguas, MDRRMO Ms. Cynthia N. Quintans, GSO representative Mr. Archie C. Gonzalvo, mga kawani ng POSO, LBTMO, MO, at iba pang kawani ng Pamahalaang Bayan upang aktuwal na makita at masuri ang kondisyon ng mga lugar, matukoy ang mga potensyal na panganib, at matukoy ang mga kailangang aksyon upang maagapan ang mga problemang maaaring makaapekto sa kaligtasan at kapakanan ng lahat.
Kabilang sa kanilang pinuntahan ang Dampalit Creek o Dampalit River sa Barangay Lalakay; Saran Creek o Saran River sa Barangay Malinta; Pele Creek o Pili Creek sa bahagi ng Mayondon-Malinta; Mayondon Acacia; at mga lugar sa Barangay Bayog at Lalakay; Sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan ng Malinta, Mayondon, Bayog at Lalakay, na kinatawan nina Punong Barangay Jesus H. De Una Jr., Punong Barangay Danilo V. Apolinario, Punong Barangay Eduardo E. Delminguez, at Punong Barangay Leticia C. Concepcion, isinagawa ang mas malapit na pagtingin sa aktuwal na sitwasyon ng mga lugar at sa mga usaping nangangailangan ng koordinadong pagtugon.
Nakatuon ang pagsusuri sa pag-iwas bago pa man magkaroon ng insidente mula sa pagtukoy ng mga posibleng banta sa kapaligiran at kalusugan, pagsusuri sa mga lugar na maaaring maging vulnerable sa pagbaha o iba pang hazard, hanggang sa pagtukoy ng mga kinakailangang intervention sa mga daanan at pampublikong lugar. Layunin nitong makabuo ng mas malinaw na batayan para sa disaster preparedness, risk reduction and mitigation, environmental protection, public safety, at mga konkretong hakbang sa pagpapabuti ng mga pasilidad at lugar, upang higit na mapangalagaan ang buhay, ari-arian at kapakanan ng bawat mamamayang Los Bañense.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
