MENU
Philippine Standard Time:
Old Pantalan Inspected as Los Baños advanced development efforts (August 18, 2026)
Published date: Aug 18, 2026
Old Pantalan Inspected as Los Baños advanced development efforts (August 18, 2026)

Nagsagawa ng inspeksiyon sa Old Pantalan nitong Agosto 18, 2026 (Martes) sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama sina Municipal Engineer Engr. Ricky Estopace, Engr. Rosemarie L. Vibar, at Hon. Conrado V. Lanuzo, Punong Barangay ng Baybayin. Sinubaybayan sa inspeksiyon ang kasalukuyang kalagayan at patuloy na pag-unlad ng lugar, gayundin ang mga isinasagawang hakbang tungo sa maayos at ligtas na pasilidad.

Patuloy namang tinututukan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mga kinakailangang development at improvement sa Old Pantalan, katuwang ang Barangay Baybayin at mga kinauukulang tanggapan.

Sa patuloy na pagsusulong nito, hangad ng Pamahalaang Bayan na mapakinabangan ang lugar nang higit pa at maging bahagi ito ng mga konkretong hakbang para sa patuloy na pag-unlad ng Barangay Baybayin at buong Los Baños.

#OldPantalan

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbiyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 247 Total Views

Related:


;