Los Baños Youth took Center Stage in Linggo ng Kabataan and International Youth Day 2026 (August 15, 2026)
Kabataan ang naging sentro ng pagkakaisa, pakikilahok, at pagdiriwang sa isinagawang Linggo ng Kabataan 2026 at International Youth Day 2026, na may temang “Different Contexts, Common Aspirations,” nitong Agosto 15, 2026 (Sabado) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center. Pinangunahan ito ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO). Nakiisa sa aktibidad ang SK Federation of Los Baños at mga SK Council ng lahat ng barangay, mga miyembro ng Local Youth Development Council (LYDC), Educational Assistance Top Notchers, at Los Baños Elite Basketball players, na nagtipon upang makilahok sa iba’t ibang programa at aktibidad para sa kabataan.
Tampok sa pagdiriwang ang mensahe ni Hon. Samantha Nicole B. Ortega, SK Federation President, at mga palaro na nagbigay-daan sa pagpapalakas ng pakikilahok ng mga kabataan. Nagbigay rin ng mensahe ng suporta sa kabataang Los Bañense si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, habang pinangunahan naman ni Revilyn D. Perez, OIC-LYDO, ang iba pang bahagi ng programa.
Ipinagpatuloy ang selebrasyon sa “Ugnayan sa Kabataan" na ikalawang bahagai ng programa kung saan dumalo at nagpaabot rin ng suporta si Laguna 2nd District Representative Hon. Cong. Ramil L. Hernandez. Kinilala rin ang mga katuwang at mga performers na naging bahagi ng selebrasyon, kabilang ang Artist Inc., LSPU Ritmo Eskultura, LB Arnis Team, at Summit Sports Academy. Iginawad din ang pagkilala sa Outstanding SK Council in Documentation and Reporting – SK Malinta at Outstanding Partner Individual in Sports Development – Coach Jonathan Francisco, gayundin sa mga Best in Chant at mga nagwagi sa iba’t ibang palarong ginanap.
Patuloy ang Pamahalaan sa pagpalakas ng mga programa na kumikilala sa kabataan bilang mahalagang katuwang sa pagbuo ng isang mas aktibo, nagkakaisa, at umaabanteng bayan ng Los Baños.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
