MENU
Philippine Standard Time:
Linggo ng Kabataan 2026 Seminar-Workshop Strengthened Skills of Young Municipal Employees (August 12, 2026)
Published date: Aug 12, 2026
Linggo ng Kabataan 2026 Seminar-Workshop Strengthened Skills of Young Municipal Employees (August 12, 2026)

Masiglang isinagawa ang Linggo ng Kabataan 2026 Seminar-Workshop para sa mga kabataang kawani ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños nitong Agosto 12, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Multi-Purpose Hall. Pinangunahan ito ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pangunguna ni OIC-LYDO Revilyn D. Perez, bilang bahagi ng Linggo ng Kabataan at International Youth Day 2026 alinsunod sa temang “Different Contexts, Common Aspirations.”

Tinalakay sa seminar-workshop ang Digital Citizenship at eGov PH Orientation, na ibinahagi nila Information Officer I Ms. Ruth Antonette Mores, at Information System Analyst I Mr. Sinead Lian A. Bayer ng DICT Region IVA – Laguna. Samantala, tinalakay naman ni DMO III/Designated GAD Officer Ms. Karen L. Mercado ng Gender and Development (GAD) Office Los Baños ang paksang Communication in the Workplace na kapwa nagpaunlad ang kaalaman, kakayahan, at responsableng pakikilahok ng mga kabataang lingkod-bayan. Pinagtibay sa programa ang mahalagang papel ng kabataan bilang katuwang sa mabuting pamamahala, pagsusulong ng inklusibong pag-unlad, at paghubog ng mas matatag at umaabanteng pamayanan.

#LinggoNgKabataan2026

#SeminarWorkshop

#InternationalYouthDay2026

#AbanteKabataan

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 322 Total Views

Related:


;