MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Shared GAD Best Practices with Can-Avid Through Benchmarking Visit (July 22-24, 2026)
Published date: Jul 22, 2026
Los Baños Shared GAD Best Practices with Can-Avid Through Benchmarking Visit (July 22-24, 2026)

Muling pinatunayan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Office sa pangunguna ni Ms. Karen L. Mercado, ang kahusayan nito sa pagpapatupad ng mga makabagong programa sa Gender and Development matapos magsagawa ng GAD Benchmarking Activity and Learning Visit ang Bayan ng Can-Avid, Eastern Samar sa pamumuno ni Mayor Alicia L. Teves mula Hulyo 22–24, 2026 upang mas mapag-aralan ang matagumpay na pagpapatupad ng Los Baños GAD Database Management Information System (MIS).

Malugod na tinanggap ni Mayor Nocon ang delegasyon at tiniyak ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagbibigay ng teknikal na kaalaman para sa replikasyon ng nasabing sistema. Pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Can-Avid ang Resolution No. 66, Series of 2026, na nagbibigay kapangyarihan kay Mayor Teves na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños para sa replikasyon ng GAD Database MIS. Patunay ito na ang mga inisyatibo ng Los Baños ay kinikilala bilang huwaran ng iba pang mga lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng mas inklusibo, episyente, at makabagong pamamahala.

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 280 Total Views

Related:


;