MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Monday of August 2026)
Published date: Aug 10, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Monday of August 2026)

Kabataan ang naging sentro ng lingguhang pagtataas ng watawat ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ikalawang Lunes ng Agosto 2026, sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Sa pangangasiwa ng Local Youth Development Office (LYDO), ibinahagi ni OIC-LYDO Ms. Revilyn D. Perez, kasama ang mga kinatawan ng Summit Sports Academy, Educational Assistance Team, at Sangguniang Kabataan (SK) ng Los Baños, ang mga programa, tagumpay, at mga nakatakdang gawain para sa patuloy na paghubog at pagpapaunlad ng kabataang Los Bañense. Naghatid din ng masiglang pagtatanghal ang LSPU RITMO EsKultura Dance Varsity sa saliw ng Bagong Pilipinas Hymn.

Nakiisa sa seremonya ang Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, kasama ang mga Department at Unit Heads, DILG Family (PNP, BFP, at BJMP), mga panauhin, at mga kawani ng pamahalaan bilang bahagi ng sama-samang paninindigan sa patuloy na paghahatid ng Serbisyong Diretso sa Tao.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 274 Total Views

Related:


;