Child Development Centers Held 52nd Nutrition Month Celebration in Los Baños (July 31, 2026)
Kaisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa matagumpay na pagsasagawa ng Child Development Centers (CDCs) Nutrition Month Celebration noong Hulyo 31, 2026 (Biyernes) sa CPP Memorial Stadium at Evacuation Center. Isinagawa ang programa bilang bahagi ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month na may temang “Nutrisyon at Kalikasan, ating Pangalagaan!”
Sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), nakibahagi ang lokal na pamahalaan bilang katuwang ng Child Development Centers (CDCs) at ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Council sa pagdaraos ng programa. Naging tampok ang parada, mga mensahe nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at MSWDO Ms. Hanna Erika E. Laviña, gayundin ang mga pagtatanghal ng mga mag-aaral at pagkilala sa mga natatanging kalahok.
Ang pakikipagtulungang ito ay sumasalamin sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa mga programang nagsusulong ng mas malusog, mas aktibo, at mas maunlad na kinabukasan para sa bawat kabataang Los Bañense.
#EarlyChildhoodCareAndDevelopmentCouncil
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
