MENU
Philippine Standard Time:
Municipal Social Pension Payout reinforced the Municipality's commitment to senior citizens' welfare in Los Baños (July 30, 2026)
Published date: Jul 30, 2026
Municipal Social Pension Payout reinforced the Municipality's commitment to senior citizens' welfare in Los Baños (July 30, 2026)

Patuloy na pinalawak ang paghahatid ng serbisyong panlipunan sa isinagawang Municipal Social Pension Payout para sa mga senior citizens ng Los Baños na may edad 60–70 taong gulang para sa 1st and 2nd Quarter, nitong Hulyo 30, 2026 (Huwebes). Pinangasiwaan ito ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), Municipal Treasurer's Office, at mga opisyal at kawani ng iba't ibang barangay. Isinagawa ang payout sa iba't ibang estratehikong lugar sa bayan upang maging mas madali at mas maayos ang pagtanggap ng benepisyo ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Kabilang sa mga naging payout venues ang CPP Memorial Stadium & Evacuation Center para sa mga benepisyaryo mula sa Baybayin, Timugan, Mayondon, at Bambang; Batong Malake Covered Court para sa Batong Malake at Bagong Silang; Malinta Covered Court; Anos Covered Court; Bayog Covered Court; Tuntungin-Putho Covered Court; San Antonio Gymnasium; Maahas Covered Court; Lalakay Covered Court; at Tadlac Covered Court.

Ang programang ito ay sumasalamin sa taos-pusong pasasalamat, paggalang, at walang sawang malasakit ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ating mga minamahal na senior citizens bilang pagkilala sa kanilang ibayong sakripisyo, karunungan, at mahalagang ambag sa pag-unlad ng ating bayan.

#MunicipalSocialPensionPayout

#SeniorCitizensOfLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 343 Total Views

Related:


;