52nd Nutrition Month Culmination Promoted Healthy Living, Environmental Stewardship, and Community Excellence in Los Baños (July 23, 2026)
Masiglang ipinagdiwang ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) sa pangunguna ni Ms. Madeleine M. Alforja, Municipal Nutrition Action Officer, ang pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month na may temang, “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!” Nagsasagawa ng Nutrition Wellness Fair & Cooking Contest 2026 at Nutrition Month Culminating Activity 2026 noong Hulyo 23, 2025 (Miyerkules) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center kung saan ipinahayag ni Mayor Nocon ang kahalagahan ng wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalikasan, at sama-samang pagkilos tungo sa mas malusog na bayan ng Los Baños.
Sa umaga, isinagawa ang pagkilala sa mga kalahok ng Barangay Nutri-Booths at Cooking Contest, pagpapakilala sa mga hurado, at pagpapaliwanag ng mga batayan sa pagpili ng mga magwawagi. Pinangunahan ni OIC-LYDO Ms. Revilyn D. Perez ang programa, habang sina MNAO Ms. Madeleine M. Alforja at Nutrition Consultant Dr. Maria D. Cerezo ang nangasiwa sa paggawad ng mga sertipiko sa mga hurado, kalahok, at iba pang mga katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng programa.
Sa hapon naman ay ginanap ang 52nd Nutrition Month Culminating Activity kung saan pinarangalan ang mga nagwagi at kalahok ng NutriBaños Logo Making Contest, NutriStep, Cooking Contest, at Barangay Nutri-Booths, gayundin ang mga tumanggap ng Certificates of Recognition bilang Outstanding Barangay Nutrition Committees at Outstanding Barangay Nutrition Scholars. Kapwa nagbahagi rin ng mensahe sina Hon. Relly C. Palis, BNC Chairperson ng Barangay San Antonio, at Ms. Vanessa N. Tamban ng Barangay Putho-Tuntungin. Bago matapos ang programa ay binigyang-pagkilala ang mga katuwang ng MGLB-MNAO para sa kanilang mahalagang ambag sa patuloy na pagsusulong ng mga programang pangnutrisyon sa ating bayan.
Pagbati sa lahat ng nagwagi:
• BARANGAY NUTRI-BOOTHS
1st Place: San Antonio
2nd Place: Putho-Tuntungin
3rd Place: Batong Malake
• COOKING CONTEST WINNERS
1st Place: Putho-Tuntungin (John Rey F. Rangel & Khen Harvey R. Millanes)
2nd Place: Lalakay (Arwen Maui Banzon & Daryl Rich Adisas)
3rd Place: Putho-Tuntungin (Joehanna Cassidy Desalesa & Xrisha Isobelle Hon)
• NUTRIBAÑOS LOGO MAKING
Winner: Yna Banasihan (LSPU-LB)
• NUTRISTEP
HRMO Miraflor Tado (Top 50 Above)
Ms. Geralie C. Cervantes (Top Female 49 Under & 1st place): 318.58 KM
Mr. Miguel Paulo C. Abella (Top Male 49 Under – Run & 2nd Place): 316.71 KM
Mun. Engr. Ricky R. Estopace (3rd place & Special Award Longest Distance in 1 Activity): 258.82KM
Ms. Rhona Glaisa Balahadia – 4th place (180.80 KM)
Ms. Nichols Joyce Bautista – 5th place (177.44 KM)
Ms. Bernardine Maranan – 6th place (162.3 KM)
Ms. Alliah Del Rosario – 7th place (147.47 KM)
Mr. John Marvin Canaria – 8th place (145.51 KM)
Mr. Ricky Flores – 9th place (144.44 KM)
Engr. Marvin Garrote – 10th place (140.08 KM)
• OUTSTANDING BARANGAY NUTRITION COMMITTEE (BNC)
1st Place: San Antonio
2nd Place: Mayondon
3rd Place: Putho-Tuntungin
• OUTSTANDING BARANGAY NUTRITION SCHOLARS (BNS)
1st Place: Ms. Vanessa N. Tamban
2nd Place: Ms. Ela O. Genil & Ms. Windalyn Greso
3rd Place: Ms. Lilybhet Gunoy & Ms. Salve Dayto
Abante, Los Baños sa pagsusulong ng wastong nutrisyon, mas malusog na pamayanan, at mas maunlad na kinabukasan!
#52ndNutritionMonth
#NutritionWellnes Fair
#CookingContest2026
#NutritionMonthCulminatingActivity2026
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
