Workplace Wellness and Nutrition Counseling Program promoted healthier lifestyles among government employees (July 22, 2026)
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month, matagumpay na isinagawa ang Workplace Wellness and Nutrition Counseling Program ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) sa paggabay ni Ms. Madeleine M. Alforja, RND sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office (MHO) sa pangunguna ni Dr. Alvin I. Isidoro, nitong Hulyo 22, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Multipurpose Hall.
Tampok sa programa ang mga makabuluhang talakayan nina Ms. Jessica Hernandez, RND ng Provincial Department of Health (PDOH) tungkol sa "Pinggang Pinoy and Healthy Eating Habits," at Ms. Rose Aviegel Dichosa, RND ng UPLB Institute of Human Nutrition and Food (IHNF) na nagbahagi ng "Mindful and Sustainable Eating and Moving: Managing Fat and Sugar Intake and Weight Management." Nagsagawa rin ng Nutrition Counseling Program sa Municipal Activity Area bilang ikalawang bahagi ng programa. Pinalawak ng inisyatibang ito ang kaalaman at kamalayan sa wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay upang higit pang mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mga kawani ng pamahalaan.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
