MENU
Philippine Standard Time:
Tree Trimming and Clearing improved Road Safety and Storm Preparedness in Los Baños (July 21, 2026)
Published date: Jul 21, 2026
Tree Trimming and Clearing improved Road Safety and Storm Preparedness in Los Baños (July 21, 2026)

Ginanap nitong Hulyo 21, 2026 (Martes) ang trimming at clearing ng mga puno at halaman sa Libis, Lalakay upang mapanatiling ligtas at maluwag ang daanan para sa mga motorista at publiko. Ang aktibidad ay sinuportahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa pamamagitan ng General Services Office bilang bahagi ng paghahanda ng Pamahalaang Bayan upang mabawasan ang panganib ng mga insidenteng dulot ng malalakas na pag-ulan at bagyo.

Ang nakolektang mga sanga at mga dahon ay ipoproseso bilang organikong pataba, na bahagi ng pagsusulong ng pangangalaga sa kapaligiran at responsableng pamamahala ng biodegradable na basura tungo sa isang mas malinis at mas sustenableng bayan.


#TrimmingAndClearing
#LibisLalakay
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños 

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 230 Total Views

Related:


;