MENU
Philippine Standard Time:
Safer School Zones Orientation Enhances School and Community Safety in Los Baños (July 20, 2026)
Published date: Jul 20, 2026
Safer School Zones Orientation Enhances School and Community Safety in Los Baños (July 20, 2026)

Ginanap ang Orientation on Safer School Zones (SSZ) sa ilalim ng Safer Cities and Safer Communities Initiative nitong Hulyo 20, 2026 (Lunes) sa Municipal Multi-Purpose Hall. Pinangasiwaan ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sa pangunguna ni MLGOO Ms. Michiko R. Escalante, kasama ang Los Baños Municipal Police Station sa pangunguna ni Los Baños Chief of Police PLTCOL Alexy E. Sonido, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa pamamagitan ng Public Order and Safety Office (POSO), Municipal Planning and Development Office (MPDO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Budget Office, at iba pang mga tanggapan. Dumalo rin ang mga Punong Barangay, Barangay Kagawad, Barangay Chief Tanod, Barangay Public Safety Officers (BPSO), Barangay Child Protection Committee (BCPC), Sangguniang Kabataan (SK), at iba pang opisyal at kawani ng mga barangay.

Higit pang pinagtibay sa oryentasyon ang ugnayan at kahandaan ng lokal na pamahalaan at mga barangay sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa ligtas at protektadong school zones. Sa sama-samang pagkilos at pananagutan ng bawat sektor, patuloy na isinusulong ng Pamahalaan ang paglikha ng isang komunidad na nagbibigay ng seguridad, kapanatagan, at maayos na kapaligiran kung saan ligtas na makapag-aaral at makapagpapaunlad ang bawat kabataan.

#SaferSchoolZones

#SaferCities

#SaferCommunities

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 328 Total Views

Related:


;