Weekly Flag Raising Ceremony (3rd Monday of July 2026)
Pinangasiwaan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang lingguhang pagtataas ng watawat sa ikatlong Lunes ng Hulyo 2026 sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Sa kanyang ulat, ibinahagi ni MDRRMO Ms. Cynthia N. Quintans ang mga naging tagumpay, inisyatiba, at patuloy na programang ipinatutupad ng kanilang tanggapan upang higit na mapalakas ang kahandaan at katatagan ng bayan sa harap ng mga sakuna.
Kasabay nito, ginanap ang pagkilala sa mga nagwaging paaralan sa Rescue Lympics 2026 na idinaos noong Hulyo 18, 2026 (Sabado) bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month. Itinanghal bilang kampeon ang Lalakay Senior High School, sinundan ng Tuntungin-Putho Integrated School bilang ikalawang puwesto at Bambang Senior High School bilang ikatlong puwesto. Sa Drawing Contest, kinilala naman bilang kampeon ang Lopez Elementary School, habang pumangalawa ang Mayondon Elementary School at pumangatlo ang Tadlac Elementary School.
Sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pangunguna ni OIC LYDO Ms. Revilyn D. Perez, binigyang-pugay rin si Pia Trixita Lozada, isang Grade 2 learner mula sa Xavier School University at tubong Barangay Tuntungin Putho, dahil sa kanyang natamong tagumpay sa Achievement in Diverse Education Progress and Talent Competition Olympiad (ADEPT) Final Round 2026 na ginanap sa Hong Kong noong Hulyo 11–12, 2026. Kinilala rin ang kanyang naunang Rising Star Achievement Award in Mathematics, na patunay ng kanyang natatanging husay sa larangan ng matematika at inspirasyon para sa bawat kabataang Los Bañense.
Nakiisa sa programa at nagbigay ng suporta ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, kasama sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, at Hon. Jay A. Rolusta. Dumalo rin ang mga Department at Unit Heads sa pangunguna ni Municipal Administrator Atty. Virgilio Tiongson at Chief of Staff Mr. Pong Guinto, kasama ang DILG Family (PNP, BFP, at BJMP) at iba pang kawani ng Pamahalaang Bayan, bilang pagpapakita ng pagkakaisa at patuloy na pagsusulong ng Serbisyong Diretso sa Tao para sa bayan ng Los Baños.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
