MENU
Philippine Standard Time:
Rescue Lympics 2026 equipped Los Baños students with life-saving skills (July 18, 2026)
Published date: Jul 18, 2026
Rescue Lympics 2026 equipped Los Baños students with life-saving skills (July 18, 2026)

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month, matagumpay na isinagawa noong Hulyo 18, 2026 (Sabado) ang "RESCUE LYMPICS 2026" sa Caesar P. Perez Memorial Stadium and Evacuation Center sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa paggabay ni Ms. Cynthia N. Quintans, Local DRRM Officer III. Sa temang "Naghahanda at kumikilos tungo sa panatag na Bagong Pilipinas", naging katuwang sa programa ang Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), 4RCDG, at 564th Engineering Construction Battalion. Nagbigay ng mensahe sina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, FSSUPT Rowena H. Gollod, DSC, Provincial Fire Marshal ng Laguna, at Ms. Michiko Escalante, MGLOO, habang pinangunahan ni FSINSP Cid Vincent V. Manaig, Municipal Fire Marshal, ang bahagi ng programa. Ipinaliwanag ni MDRRMO Ms. Cynthia N. Quintans ang mekaniks ng paligsahan, pinangunahan ni Mr. Andrew L. San Valentin ang Panunumpa sa Sportsmanship, at nagsilbing tigapagpadaloy ng programa si Mr. Ryan Chandler M. Biscante ng DILG.

Nilahukan ang Rescue Lympics ng mga kinatawan mula sa mga paaralang elementarya, sekondarya, at senior high school sa Los Baños kabilang ang Bagong Silang ES, Bambang ES, Bayog ES, B.N. Calara ES, Lalakay ES, Lopez ES, Los Baños Central ES, Maahas ES, Malinta ES, Mayondon ES, Paciano Rizal ES, San Antonio ES, Tadlac ES, Los Baños NHS–BM, Los Baños NHS–Poblacion, Los Baños Integrated School, Tuntungin-Putho Integrated NHS, B.N. Calara Integrated NHS, Bambang SHS Stand Alone, Lalakay SHS Stand Alone, Bayog SHS Stand Alone, at Los Baños Senior High School. Higit pang pinaunlad ng aktibidad ang kaalaman, kasanayan, at kahandaan ng mga kabataan sa first aid, CPR, rescue, rope rescue, at water rescue sa pamamagitan ng makabuluhang kompetisyon at pagtutulungan.

Sa pagtatapos ng paligsahan, kinilala ang mga nagwaging paaralan. Itinanghal na kampeon ang Lalakay Senior High School, sinundan ng Tuntungin-Putho Integrated School bilang 2nd Place, at Bambang Senior High School bilang 3rd Place sa Rescue Lympics. Samantala, sa Drawing Contest, nakuha ng Lopez Elementary School ang 1st Place, Mayondon Elementary School ang 2nd Place, at Tadlac Elementary School ang 3rd Place. Nagbigay rin ng suporta sa aktibidad ang mga personnel ng BFP na sina FO2 Jeanine Ansay, FO1 Jeffrey N. Moraleja, SFO2 Rex P. Alipio, SFO1 Dennis Alonzo, SFO1 Zion William A. Maningas, FO1 Reymarc Marcelo, FO1 Mark Justine Aguila, FO1 Noel S. Daggay, FO1 John Mark Faustino, FO1 Jan Kenneth Cabriga, FSINSP Cid Vincent V. Manaig, at FCINSP Maricris C. Rodriguez, na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng programa tungo sa mas ligtas at mas matatag na bayan.

#RescueLympics2026

#NationalDisasterResilienceMonth

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 345 Total Views

Related:


;