MENU
Philippine Standard Time:
GAD Agenda program advanced gender-responsive governance in Los Baños (July 16, 2026)
Published date: Jul 16, 2026
GAD Agenda program advanced gender-responsive governance in Los Baños (July 16, 2026)

Isinagawa ang Gender and Development (GAD) Agenda Formulation at ang pagtalakay sa Gender and Development Strategic Framework (GAD SF) at Gender and Development Strategic Plan (GAD SP), noong Hulyo 16, 2026 (Huwebes) sa Municipal Multipurpose Hall. Ang programa ay isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Office. Pinangunahan ang lecture at workshop ni Ms. Karen Lagat-Mercado, GAD Officer ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at miyembro ng National GAD Resource Pool ng Philippine Commission on Women (PCW), kung saan tinalakay ang GAD Agenda bilang estratehikong balangkas at plano ng isang ahensya sa pagsusulong ng gender mainstreaming, pagkakapantay-pantay ng kasarian, at pagpapalakas ng kababaihan.

Dinaluhan ang programa ng mga pinuno at kinatawan ng iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños upang higit na mapalalim ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa mga isyung pangkasarian. Kasama ang programang ito sa mga hakbang ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños upang palakasin ang gender-responsive, inklusibo, at mahusay na paghahatid ng mga serbisyong pampubliko.

#GADAgenda

#GADStrategicFramework

#GADStrategicPlan

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/PIO-MGLB

 

 383 Total Views

Related:


;