Mayor Nocon administered Oath of Office to New Maahas Barangay Council Member, Mr. Roel Tapia Alvarez (July 15, 2026)
Pormal na nanumpa sa tungkulin si G. Roel Tapia Alvarez bilang bagong miyembro ng Sangguniang Barangay ng Maahas sa isang seremonyang pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa kanyang tanggapan noong Hulyo 15, 2026 (Miyerkules), na sinaksihan ni Punong Barangay Hon. Ferdinand "Jeck” P. Vargas, kasama ang iba pang opisyal at kaanak.
Ang panunumpa ay nagsilbing opisyal na pagsisimula ng kanyang panunungkulan bilang lingkod-bayan at pagpapatibay ng kanyang pangakong maglingkod nang may integridad, pananagutan, at dedikasyon sa mamamayan. Inaasahang makatutulong si G. Alvarez sa pagpapalakas ng pamamahalang barangay at magiging katuwang sa pagpapatupad ng mga programang at serbisyong naglalayong isulong ang kaayusan, kaunlaran, at kapakanan ng mga residente ng Barangay Maahas.
| via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
