MENU
Philippine Standard Time:
BLESSING NG LOS BAÑOS LIGTAS COVID COMMUNITY ISOLATION FACILITY, ISINAGAWA NGAYONG ARAW
Published date: May 7, 2021

Dinaluhan ni Mayor “Kuya Tony” Kalaw ang blessing ng Ligtas COVID Community Isolation Facility sa Vargas Hall, Jamboree Road, Los Baños, Laguna na pinangunahan ni Bishop Hermie Malabanan, Head Pastor ng Grand Harvest Christian Ministies, Inc. kaninang umaga.

Sa pasilidad na ito dadalhin ang mga pasyenteng asymptomatic na nagpositibo sa COVID-19 kung saan mayroon itong 28 bed capacity.

Ayon kay Municipal Health Officer Alvin Isidoro, inaasahang magagamit na rin ang naturang pasilidad ngayong linggo.

Patuloy ang pamahalaang bayan sa pagsisiguro na mapalakas ang kapasidad ng ating bayan sa paglaban at pagpigil sa tuluyan pang pagkalat ng nakamamatay na sakit dulot ng COVID-19.

QUICK LINKS

LOS BAÑOS
 
Municipal Ordinance
 
Executive Order
 
BAC