MENU
Philippine Standard Time:
LB RESBAKUNA ADVISORY/UPDATE As of June 9, 2021
Published date: Jun 10, 2021

1. Anong priority groups na ang binabakunahan sa bayan ng Los Banos?

Bagamat limitado ang bakunang natatanggap ng ating bayan mula sa Department of Health, magsisimula nang magbigay ng bakuna ang Los Banos Vaccination Team sa mga A3 category (adult with comorbidity) kasabay ng pagbabakuna sa mga A2 o senior citizens.

2. Ano ang bakunang ibinibigay sa Los Banos Vaccination Sites?

May limitadong supply ng Gamaleya Sputnik V ang naibigay sa ating bayan at ito ay paghahatian ng mga A2 at A3 category. Ang natitirang Sinovac at Astra Zeneca vaccine ay nakalaan para sa 2nd dose ng mga dati nang nabakunahan. Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Tanggapang Pangkalusugan sa Department of Health upang madagdagan ang supply ng bakuna sa ating bayan

3. Sino ang maaaring mapasama sa A3 category?

Ang mga taong may edad 18-59 taong gulang na may karamdamang tulad ng mga sumusunod ay maaring mapabilang sa A3 category
a. Chronic respiratory disease
b. Cardiovascular disease ( hypertension, sakit sa puso)
c. Chronic kidney disease
d. Cerebrovascular disease (stroke)
e. Cancer
f. Diabetes mellitus
g. Obesity
h. Neurologic disease
i. Chronic liver disease
j. Immunodeficiency states

4. Ano ang mga dapat dalhin ng mga babakunahang A3 o adults with comorbidity?

ALINMAN sa mga sumusunod ay kailangan dalhin at ipakita sa vaccination site bilang patunay na sila ay kasama sa A3 category
a. Medical certificate o medical abstract
b. Operative o hospital record
c. Prescription ng gamot para sa comorbidity

5. Kailan babakunahan ang mga immediate family members ng A1?

Sa ngayon ay wala pang guideline na ibinibigay ang Department of Health o ang mga national agency para sa pagpapatupad ng pagbabakuna sa category na ito ngunit sa mga susunod na araw ay magpapalabas ng registration link ang Information and Communication Systems Office (ICSO) ng Los Banos para sa registration ng mga immediate relatives ng A1.

6. Kailan babakunahan ang mga A4?

Sa ngayon ay di sapat ang supply ng bakuna para simulan ang pagbabakuna sa mga A4 sa ating bayan. Sa kasalukuyan, higit sa limang libo ang nakatala o naka register na A3 na prayoridad na mabigyan ng bakuna ayon sa DOH guideline.

7. Anong grupo ang maaaring mabigyan ng prayoridad sa pagbabakuna kasabay ng A1, A2 at A3?

a. Mga OFW na naka-schedule nang pumunta sa ibang bansa
b. Mga pasyenteng kailangan operahan at pinayuhan ng doktor na magpabakuna bago operahan

7. Maaari bang mag walk-in sa vaccination site para magpabakuna?

Hindi tumatanggap ng walk in na magpapabakuna sa mga vaccination sites upang maiwasan ang over-crowding at posibleng pagkakahawaan ng mga nagpapabakuna.

8. Paano binibigyan ng notice of schedule ang mga naka register sa pagbabakuna?

Magpapadala ng text message ang isang automated system at ito ay base sa first registration, first schedule basis. Mahalagang tama ang contact number na ilalagay sa registration upang mapadalhan kayo ng notice of schedule sa pamamagitan ng text message.

9. Ano ang gagawin kapag naka-tanggap ng notice of schedule?

Sagutin ang notice of schedule upang makakuha ng CONFIRMATION
message. Ang confirmation message ay ipapakita sa vaccination site sa araw ng pagbabakuna.

10. Hangad ng Pamahalaang Bayan ng Los Banos at ng Tanggapang Pangkalusugan ang mabilis na roll out ng pagbabakuna sa lahat ng sektor at priority groups sa ating bayan. Sa pakikipagtulungan ng Los Banos Medical Community, University of the Philippines Los Banos, International Rice Research Institute at iba pang pribadong organisasyon at indibidwal, nakahanda ang Pamahalaang Bayan ng Los Banos na tumanggap ng anumang uri o brand ng bakuna, at magbigay ng bakuna sa lahat ng target priority groups sa sandaling dumating na ang inaasahang sapat na supply ng Covid-19 vaccine sa ating bayan.

QUICK LINKS

LOS BAÑOS
 
Municipal Ordinance
 
Executive Order
 
BAC