HOMEPAGE
  • Date of publish: Aug 02, 2018

  • Sa darating na Setyembre 12 - 17, 2018 ay gaganaping muli ang taunang pambayang kapistahan, ang Bañamos Festival sa kanyang ika-17 na taon. Kaalinsabay nito ay ang pagdiriwang ng ika-403 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Los Baños.

    Ang naturang kapistahan ay naglalayong ipamalas ang angkin galing ng mga mamamayan ng Los Baños at magtatampok ng iba't-ibang programang ikalulugod hindi lang ng mga mamamayan ng ating bayan kundi ng mga panauhing makikisaya sa ating pagdiriwang.

    Para sa inyong reprensya, nasa ibaba ang talaan ng mga kaganapan kasama ang kanilang petsa. Para naman sa mga karagdagang impormasyon hinggil sa Bañamos Festival ay maaari kayong makipag-ugnayan sa Municipal Tourism Office sa pangangasiwa ni Ms Janis Ian S. Samiano na may numerong 539-4589